Buhay blogista. Wala lang susubukan ko lang, ito siguro ang dulot ng boredom. Tatlong araw akong home alone as in talagang wala ang buong pamilya ko dahil nagpunta sila sa Puerto Galera kasama ang ilang relatives ko sa mother side. Marami nga ang nagtatanong sa akin, “o bakit hindi ka sumama?” Tanong ko din yan sa sarili ko, pero siguro gusto ko lang mapag-isa, siguro dahil may depression ako ngayon na ako lang ang nakakaalam. Bakit nga ba ang lungkot-lungkot ko eh ang dami namang dahilan para maging masaya? Ang hindi ko maintindihan ay kahit anong gawin ko para maging masaya hindi pa rin umuubra, pakiramdam ko kasi walang nagmamahal sa akin, sino nga ba ang magtyatyaga sa magulong tulad ko, paiba-iba ng mood at parang galit lagi?
Kung minsan naiisip ko kasalanan ko din naman kung bakit ganito ang nararamdaman ko, hindi ko alam, siguro nga may mga kaibigan ako kaso ni isa sa kanila hindi ako kayang bigyan ng panahon, marahil ay iniisip niyo na napaka attention seeker ko masyado pero hindi naman, kahit five minutes lang na kamustahin mo ako masaya na ako. Mababaw talaga ako na tao, madaling patawanin at paiyakin. Oo, paiyakin, konti pa lang ang nakakakita sa akin na umiyak ng todo pero hindi nila alam umiiyak ako lagi, lalo na ngayon siguro halos gabi-gabi na iyon, bakit? Dahil sa isang taong manhid. So ayun nga, para sa akin napakablanko ng lahat, parang laging normal ang lahat, parang walang kwenta, walang saya. Sa suma total, wala naman talaga akong gustong mangyari kundi ang may magmahal sa akin, kaya yung mga napapadalhan ko ng group message ng *I just wish someone would love me, is it so hard to love me?* totoo yun, hindi yun ekek.
Nakakaawa talaga akong nilalang, kung iisipin mo bakit nga ba ako nagkakaganito, parang tanga lang diba? Pero siguro ganun talaga. May isa nga akong kaibigan naaalala ko sabi niya sa akin “kung ikaw lang ang nasa katayuan ko, wala ka naman kasing problema sa pera eh” pero sa loob-loob ko naiisip ko kung wala nga talaga. Hindi ko rin maintindihan kung bakit halos lahat sa paligid ko tingin napakayaman ko pero sa totoo lang hindi naman, isa lang akong normal na tao sa pamayanan, yun nga lang siguro magaling lang talaga ako humawak ng pera kaya may pera ako lagi kaso nauubos naman sa mga nangangailangan, pero ayos lang sa akin yun kasi naman kailangan nga nila yun. Ibalik ang usapan sa pagiging nakakaawa ko, ayun nga walang kayang magmahal sa akin, siguro wala akong karapatan na mahalin ng mga tao dahil sa kawalang kwenta ko, lagi kong naiisip na nag-iisa lang talaga ako, na yung mga kaibigan ko nandyan lang naman kapag kailangan nila ako kasi pag ako ang may kailangan sa kanila parang lagi silang hindi pwede, may ibang ginagawa o kaya naman ay abala sa ibang bagay. Ang tawag ko sa mga sinasabi nila ay alibi siguro ayaw lang talaga nila kasi nga kapag gusto maraming paraan at kapag ayaw maraming dahilan. Ang kitid ba ng utak? Mali kayo dun kasi kungwari lang naman ang prinsipyo yan para sa akin dahil kapag humingi na ng tawad sa akin at nagdahilan na ayos na sa akin ang lahat. Ang gulo-gulo ko diba? Iyan din siguro ang dahilan kung bakit iniiwan ako ng lahat ng tao. Nakakaiyak talaga, kung minsan ayoko ng mabuhay pero huwag kayong magalala wala akong balak kitilin ang sarili kong buhay, pero siguro di maiiwasan sa tao ang isipin na kung minsan ayaw na nilang mabuhay.
Sino nga ba ang kayang magmahal sa isang tulad ko? Hindi naman sa naghahanap ako ng love life o ano pa man, siguro gusto ko lang ng tao na talagang kayang intindihin ako akala ko nga nahanap ko na yung taong yun pero parang nagdadalawang isip ako sa kanya kasi lagi naman syang wala eh kasi nga “busy” daw siya. Sino naman ang taong toh? Siya lang naman ang taong mahal na mahal ko oops hindi sa level ng lovers ah marami lang talaga kaming bagay na parehas pwede mo na rin sabihin sa level ng soulmate ( sobrang give away na toh) basta ang alam ko mahal ko siya dahil sobrang saya ko kapag kasama ko siya at ang bilis-bilis ng oras. Marami nga ang nang-iintriga sa akin dahil sa taong ito, iyong iba tuloy tingin sa akin lesbiana na dahil nga sa personalidad ng lalaking ito, pero wala naman akong pakialam sa sinasabi nila. Madami din ang nagaakala na may relasyon kami nito pero wala naman, at kung tatanungin mo kung may pagasa ang mga hinihinila nila, hmm siguro dapat hindi ako ang tanungin nila kundi iyong pilit nilang dinidikit sa pangalan ko. Sa totoo lang, ayoko talagang mawala sa buhay ko ang taong ito, hindi ko ata kaya.
Iyan napakahaba na ata ang blog na ito, baka tamarin na ang mambabasa nito, sino nga ba ako para pagtyagaan nila ng ganito? Ngunit kung sino man ang umabot sa talatang ito, maraming salamat, ibig sabihin may kwenta din pala ako kahit papaano. Ito siguro ang entry na talagang magpapakilala sa tunay na ako, iba kasi ang nasa loob ko kaysa sa nakikita nila, meron kayang may kayang makatanggap sa isang taong may ganitong personalidad?